
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa August 6 (Huwebes) episode nito, hindi kumbinsido si Amihan (Kylie Padilla) na tuluyan nang napatawad ni Alena (Gabbi Garcia) si Danaya (Sanya Lopez) sa ginawang pagpaslang nito sa kaniyang anak.
Susundan at mamanmanan niya ang mga kilos ni Alena hanggang sa matuklasan niya ang tunay na pakay nito. Laking gulat na lang ni Amihan nang matagpuan niya ang pagkikita nina Alena at Pirena (Glaiza De Castro).
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.