
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.
Sa September 24 (Huwebes) episode nito, natuklasan na sa wakas ni Pirena (Glaiza De Castro) ang liham na isinulat ni Reyna Minea (Marian Rivera) para sa kaniya.
Gamit ang tungkod ni Imaw, nakita ni Pirena ang mga naganap sa nakaraan kung saan inilihim ni Gurna (Vaness Del Moral) ang sulat ng yumaong Reyna ng mga Diwata.
Dahil dito, pagbabayarin na ni Pirena ang kaniyang taksil na dama para sa lahat ng kasinungalingan at panlilinlang na ginawa nito sa kaniya.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.