
Nag-ala 'Superman' si Mikael Daez sa nametag ripping mission ng Running Man Philippines na napanood nitong Linggo ng gabi (June 16) nang iligtas niya ang mga kapwa Runners.
Sa pagtatapos ng 'Runners vs Goliath' race last weekend, nagtulong-tulong ang seven Runners na magawa ang kanilang mission kung saan kailangan nilang i-memorize ang mga bagay na nasa loob ng sample room ng isang hotel sa Legoland Korea. Habang nag-iikot sila sa iba't ibang kuwarto, kailangan nilang mahanap ang pitong bagay na naiiba sa mga ito na hindi makikita sa unang sample room.
Dapat hindi sila mahuli ni Eric dahil mari-rip nito ang kanilang nametag.
Sa isang punto ng mission, nagulat si Mikael nang bigla niya buksan ang pinto ng kuwarto kung saan siya nagtatago at bigla na lang niya nakita si Eruption.
Dito binalaan niya ang co-Runners na sina Buboy Villar, Glaiza De Castro, at Kokoy de Santos na nasa katabing room na tumakas na.
Na-eliminate si Kap sa nametag ripping mission.
@gmanetwork Tinulungan nga ni Kap ang runners pero... 🤭 #RunningManPH2 #RunningManPH #TikTokTainmentPH
♬ original sound - GMA Network
Sa kabila ng mga nangyari, maraming humanga sa ginawa na ito ni Mikael. Ang iba naman ay tawang-tawa sa kamalasan na nangyari na ang bumungad sa kaniya pagbukas niya ng pinto ay si Eruption.
As of this writing, may mahigit sa one million views na ang naturang eksena na ipinalabas sa Running Man Philippines sa TikTok.
RELATED CONTENT: MEET THE KOREAN STARS JOINING THE MUCH-AWAITED RUNNING MAN PH SEASON 2
Watch Running Man Philippines season two on weekends at 7:15 p.m.. You can also catch the delayed telecast of Running Man PH on GTV at 9:45 p.m. every Saturday and 11:05 p.m. on Sunday.