GMA Logo Chesca Salcedo and Pauline Mendoza in Kambal Karibal
What's on TV

Pagtutuos nina Cheska at Nori sa 'Kambal, Karibal'

Published September 22, 2020 11:51 AM PHT
Updated September 23, 2020 12:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Chesca Salcedo and Pauline Mendoza in Kambal Karibal


Masabi na kaya ni Nori kay Crisan ang pinakatagu-tagong sikreto ni Cheska?

Sa episode 133 ng Kambal, Karibal, ginawa ni Crisel (Pauline Mendoza) ang lahat upang makausap si Nori (Chesca Salcedo) at sabihing protektahan si Crisan (Bianca Umali) mula sa mga kamay ni Cheska (Kyline Alcantara) kahit gaano itong kapanganib.

Binalaan naman ni Black Lady (Roence Santos) ang manlolokong si Cheska para pigilan si Nori sa plano nitong pagbunyag ng kanyang sikreto.

Dahil sa pambubuyo ng masamang espiritu, walang nagawa si Cheska kung 'di ilagay sa panganib ang buhay ni Nori nang pukpukin niya ito ng vase sa ulo.

Chesca Salcedo and Kyline Alcantara in Kambal Karibal


Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Gabi-gabi namang kinagigiliwan ang pagganap ng mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Tampok din sa Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza