
Pak, pak, ganun! 'Yan ang isa sa mga linyang pinasikat ng Pinay transgender na si Maria Sofia Love noon. Ngunit ngayon, nahaharap si Maria Sofia sa isang kontrobersya dahil sa kanyang bagong social media video na umano'y naglalaman ng pambabastos sa Pambansang Awit ng Pilipinas na Lupang Hinirang.
Nakapanayam ng Unang Balita ang Heraldy Section Chief ng National Historical Commission of the Philippines na si Teodoro Atienza at sinabi niyang lumabag nga ang transgender sa batas at hindi nila palalampasin ang ginawa niyang ito.
"Ang atin pong tanggapan ay nakikipag-ugnayan na sa embassy ng Pilipinas sa LA (Los Angeles, U.S.A) na kung saan nasabi na naroon itong tao na ito at hinahanap na siya ngayon," saad ni Atienza.
Sa ngayon ay deactivated na ang Facebook account ni Maria Sofia.
Panoorin ang kabuuan ng report ng Unang Balita:
Video courtesy of GMA News