GMA Logo Barbie Forteza
Photo source: GMA Network
What's on TV

Palabang eksena ni Barbie Forteza sa 'Maria Clara at Ibarra,' inaabangan ng netizens

By Abbygael Hilario
Published November 18, 2022 7:29 PM PHT
Updated November 18, 2022 7:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Hindi lamang kagandahan ang dala-dala ni Klay (Barbie Forteza) sa piging ni Kapitan Basilio kung hindi pati katapangan! Klay, fighting!

Binigyan ni Maria Clara (Julie Anne San Jose) ng total make-over si Klay (Barbie Forteza) upang mapabuti ang tingin sa kaniya ng ibang tao. Gusto niyang maging maayos ang hitsura nito sa piging na inihanda ni Kapitan Basilio.

Nang makita nila Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) at Fidel (David Licauco) si Klay humanga sila sa dalaga. Halos hindi nila makilala si Klay. Natuwa naman si Maria Clara dahil nagawa niya ang kaniyang nais para kay Klay.

Barbie Forteza

Source: GMA Network

Ngayong Biyernes, patutunayan ni Klay na higit pa sa kagandahan ang mayroon siya!

Sa pagpasok niya sa silid nila Ibarra, maririnig niya ang usapin tungkol sa panlalait at pangmamaliit sa mga kababaihan.

Hindi niya nagustuhan ito kung kaya't makikisali siya sa usapan para sagutin ang mga bisita!

Huwag palampasin ang mainit na eksena nila sa Maria Clara at Ibarra mamaya!

Buong linggo ring inabangan ng mga Kapuso viewers ang eksenang ito ni Klay, kaya naman excited na silang mapanood ito ngayong gabi.

Mapapanood din online ang eksenang ito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Puwede naman panoorin ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG DAPAT ABANGAN SA BAGONG KABANATA NG MARIA CLARA AT IBARRA DITO: