
Ultimate summer vibes ang hatid ng Biyahe ni Drew ngayong araw.
Bibisitahin ng ating paboritong Biyahero na si Drew Arellano ang picturesque at world-famous destination place dito sa Pilipinas.
Photo by: Biyahe ni Drew (Facebook)
'Yan ay walang iba kundi ang Palawan.
Binansagang “Land of Promise” at “The Philippines' last frontier,” kilala ang isla ng Palawan dahil sa likas nitong yaman at kagandahan na kinikilala sa buong mundo.
Photo by: Biyahe ni Drew (Facebook)
Tri-municipality tour and gimik ngayon ni Drew at bibisitahin niya ang El Nido, Balabac, at Puerto Princesa.
Siyempre hindi puwedeng palampasin ni Drew ang nakamamanghang mga beaches kasama na diyan ang crystal clear waters at amazing rock formations na makikita sa ilang pasyalan dito.
Photo by: Biyahe ni Drew (Facebook)
Pero bukod sa pamosong mga beaches ay kikilalanin din ni Drew ang mga tao, kultura, at siyempre, ang mga pagkain na paborito ng mga lokal.
Kaya't tara na at magpalamig sa isa na namang exciting na episode ng Biyahe ni Drew ngayong hapon, April 30, 5:45 p.m. sa GTV.
Samantala, balikan ang relaxing at masayang El Nido getaway ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez sa gallery na ito: