GMA Logo Makiling
What's on TV

Pambansang revenge drama na 'Makiling,' patuloy ang pagtaas ng ratings

By Jimboy Napoles
Published February 15, 2024 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Makiling


Patuloy na tinututukan ang bagong 4PM habit ng mga gigil na gigil gumanti - ang Makiling!

Hindi na mapigilan ang pagtaas ng TV ratings ng pambansang revenge drama ng Pilipino - ang Makiling.

Pinataob ng serye ang sarili nitong mataas na ratings na 7.9 noong February 13 nang makakuha ito ng 8.5 na ratings kahapon, February 14. Base ito sa inilabas na preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings.

Ang Makiling ay pinagbibidahan ng Kapuso couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio, kasama sina Thea Tolentino, Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Claire Castro.

Kabilang sa cast ang mga batikan at award-winning actors na sina Mon Confiado, Andrea Del Rosario, Cris Villanueva, Richard Quan, Bernadette Allison, Lui Manansanala, at Lotlot De Leon.

Sa nagdaang episodes, mas naging masalimuot ang nangyari sa buhay ni Amira (Elle Villanueva) nang pag-initan ng mga Terra ang kanyang pamilya dahil sa mahiwagang bulaklak na Mutya.

Dito ay sinunog ng mga Terra ang kanilang mga bahay at siniguradong hindi makakaligtas ang kanilang ama na si Crisanto (Cris Villanueva).

Sa pagkamatay ni Crisanto, napuno ng galit ang puso ni Amira at isinisisi niya ang lahat ng mga kamalasang nangyari sa kanya sa Mutya.

Ang dapat abangan ngayon ay pagsisimula ng sukdulang paghihiganti ni Amira sa lahat ng mga umapi sa kanya.

Mas ilalabas pa ang gigil mo sa mga susunod na episode ng pambansang revenge drama ng mga Pilipino - ang Makiling.

Patuloy na subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.