
Tuwang-tuwa ang mga nakanood ng GMA Afternoon Prime series na AraBella dahil napanood nila ang sikat na TikTok star na si Euleen Castro, o mas kilala bilang ang “Pambansang Yobab.”
Sa episode kahapon, March 15, may eksena ang magkapatid na Ara (Shayne Sava) at Lani (Karenina Haniel) sa computer shop dahil binibenta ni Lani si Ara sa isang matandang foreigner upang magkaroon sila ng pera.
Isa sa mga nasa computer shop ay si Euleen na isa rin sa nagtanggol kay Ara.
Alam ni Ara na namayapa na ang kanyang amang si Ronnie (Antonio Aquitania), ngunit patuloy pa rin ang paghahanap niya sa kanyang ina. Samantala, hinahanap din ni Roselle (Camille Prats) ang nawala niyang anak, sampung taon na ang nakalilipas.
Si Ara kaya ang nawawalang anak ni Roselle na pinangalanan niyang Bella?
Abangan ang sagot sa AraBella, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap. Mapapanood rin ito sa digital channel na Pinoy Hits at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
SAMANTALA, KILALANIN PA ANG IBANG MGA KARAKTER SA ARABELLA RITO: