GMA Logo valeen montenegro and mike tan in love die repeat
What's on TV

Pambe-brainwash ni Elton kay Chloe sa 'Love. Die. Repeat.', trending sa X!

By Jansen Ramos
Published March 21, 2024 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

valeen montenegro and mike tan in love die repeat


Trending topic sa X (dating Twitter) ang episode ng GMA Prime series na 'Love. Die. Repeat.' kagabi, March 20, kung saan ipinasilip ang pagbaril kay Angela (Jennylyn Mercado).

Pinag-usapan sa social media ang muling pagpasok ni Angela (Jennylyn Mercado) sa time loop sa suspense drama series na Love. Die. Repeat.

Sa episode ng GMA Prime series kagabi, March 20, sinubukan ni Angela na baguhin ang kapalaran ng kaibigang niyang si Chloe (Valeen Montenegro) matapos itong magpakamatay.

Pero sa kagustuhang mailigtas ang kaibigan, lalong sumama ang sitwasyon matapos makatakas sa mga pulis ang ex niyang si Elton (Mike Tan) na obsessed sa kanya.

Sinundan ni Elton si Angela hanggang sa condo ni Chloe at dito na sila nagpang-abot. Nadamay pa ang gwardiya sa building na nagbuwis ng buhay para masagip sina Chloe at Angela mula sa trespasser na si Elton.

Sa pakikipagtaguan ng magkaibigan kay Elton, siniraan ng huli si Angela kay Chloe.

Tila naimpluwensyahan si Chloe sa mga sinabi ni Elton sa paniniwalang magkakabalikan sila ni Bernard kung mapupunta si Elton kay Chloe.

Trending topic naman sa X (dating Twitter) ang #LDRBehindYou na official hashtag ng Love. Die. Repeat. noong March 20.

Sa teaser ng programa ngayong Huwebes, March 21, ipinakita na mababaril si Angela at si Chloe ang may hawak ng baril.

Sa palagay ng isang X user, ang asawa naman ni Angela na si Bernard (Xian Lim) ang papasok sa time loop para sagipin ang kanyang misis na ipinagbubuntis ang kanilang anak.

Aniya, "Sabi ni Kanlaon, mabubuhay anak ni Angela. So baka nga, papasok si Bernard sa timeloop para iligtas ang mag ina nya!"

Nanggigil din ang Love. Die. Repeat. viewers sa YouTube dahil sa pagiging makasarili ni Chloe.

Basahin ang ilang komento rito.

Subaybayan sa huling limang episode ng Love. Die. Repeat. na mapapanood weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.

Available din ito online via Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa TV.

May replay naman ang serye sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.

Mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, ang Love. Die. Repeat. ay mula sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Irene Villamor.

NARITO ANG IBA PANG MATITINDING EKSENA SA SERYE.