
Nagsimula na ang pagpapalabas ng all-new episodes ng GMA primetime series na Love Of My Life.
Sa episode nito noong Lunes, January 25, napatunayan ni Isabella (Coney Reyes) na may namamagitan kina Nikolai (Mikael Daez) at Kelly (Rhian Ramos) nang mahuli niyang magkayakap ang dalawa.
Hindi alam ni Isabella na dinadamayan lang ng kanyang anak si Kelly dahil sa problema nito sa amang si Edong (William Lorenzo).
Pinagbintangan naman ni Kelly si Adelle (Carla Abellana) na siya ang nagsumbong kay Isabella tungkol sa relasyon nila ni Nikolai.
Nilinaw naman ni Kelly kay Isabella na tinapos na nila ni Nikolai kung ano man ang meron sila na ikinagalit lalo ng ina nito dahil sinekreto nila ang kanilang relasyon.
Humingi naman ng dispensa si Kelly kay Adelle dahil sa kanyang maling hinala.
Samantala, hiniling ni Siony (Anna Martin) kay Adelle na sumama muna siya sa probinsiya dahil sa tensyon sa mansyon.
Nagtampo ang ina ni Adelle dahil pinili niyang manatili sa mansyon kasama ang kanyang biyenan.
Hindi madali para kay Adelle na makita ang kanyang inang malungkot na umalis para bumalik ng probinsya kaya hindi niya naiwasang maging emosyonal.
Para pagaanin ang loob niya, dinamayan ni Nikolai si Adelle at hinalikan sa labi.
Unang umere sa telebisyon ang Love Of My Life noong Pebrero 2020. Matapos ang isang buwan, nahinto ang pagpapalabas ng serye dahil natigil ang produksyon nito sanhi ng enhanced community quarantine.
December 28, nang magbalik ang serye sa telebisyon.
Bilang refresher, muling ipinalabas ang mga dating episodes nito sa loob ng 15 araw.
Patuloy na subaybayan ang Love of My Life Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng serye, maaaring mapanood ang Love Of My Life at ibang Kapuso series sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Ang Love Of My Life ay pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, at Coney Reyes.
Silipin ang lock-in taping ng Love Of My Life sa gallery na ito: