
Ipinakilala na ang mga bagong talents ng GMA Artist Center na sina Pamela Prinster, Mitzi Josh, Brianna, Sandro Muhlach, at Gabrielle Hahn.
Silang lima ay ang fresh faces na dapat abangan sa Kapuso Network.
Si Pamela ay ang renewing talent ng GMA Artist Center. Napanood si Pamela sa That's my Amboy at StarStruck season 7.
Ayon kay Pamela gusto niyang mahanay sa linya ng mga artistang mahusay sa pag-arte at sa iba't ibang larangan ng sining.
"As of recently, I think I've been going down the dancing route... I kind of do a little bit of everything so honestly anything, even hosting is something I'll be interested in. But number one will definitely be acting."
Si Mitzi naman ay ang new Kapuso star na dapat abangan sa kaniyang pagkanta.
Ayon sa young Kapuso star, "Ever since gusto ko na po talaga mag-perform or kumanta sa harap ng maraming tao. I can't wait na maipakita ko sa inyo kung ano ang mga kaya kong dalhin sa music industry.
At the same time, hindi rin isinasara ni Mitzi ang pintuan para sa pag-arte, "Gusto ko pa pong mag-explore ng iba pang bagay katulad ng acting, dancing or even hosting po."
Kapuso na rin ang anak ni Michael V. na si Brianna!
"I would like to showcase both singing and acting po. I would like to showcase dancing pero my main focus po is singing and acting because those are the two that I am super passionate about for a long time now. I just want to bring it out to the world and show what I've been working on."
Isa pang mula sa showbiz royalty ay ang anak ni Niño Muhlach na si Sandro na nais ding maipakita ng kanyang talento sa mga manonood.
"Main ko po talaga is acting kasi ginawa ko na lahat. Pinag-aralan ko talaga 'yung acting, lahat ng techniques, na-workshop ko na. Gusto ko po mala-Rayver Cruz 'yan."
Si Gabrielle naman ay nagbahagi na passionate siya na maipakita ang husay sa pag-arte.
"I can sing and host pero acting talaga."
Mapapanood na sina Pamela, Mitzi, Brianna, Sandro, at Gabrielle sa All-Out Sundays ngayong Linggo. Sila ay magpe-perform sa segment na FYP or Fresh Young Peeps.
RELATED CONTENT:
'All-Out Sundays' launches "Shake and Win Promo"