GMA Logo Shuvee Etrata, Klarisse De Guzman, Will Ashley, Mika Salamanca
Photo by: mikslmnc IG
What's Hot

Pamilya De Guzman, binalikan ang pinagmulan at matibay na samahan

By Kristine Kang
Published April 27, 2026 3:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dustin Yu, Bianca De Vera heal with love in 'Ngiti' music video
Caprice Cayetano, Heath Jornales to lead romance series 'You’re My Favorite Song'
Air China launches direct Chongqing-Manila flights

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata, Klarisse De Guzman, Will Ashley, Mika Salamanca


Nagbalik-tanaw ang Pamilya De Guzman sa samahang nabuo nang hindi planado pero tumibay sa paglipas ng panahon.

Hindi maitatangging isa sa mga tumatak sa Philippine television ang pagkabuo ng iconic group na Pamilya De Guzman.

Mula sa pagpasok nila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, marami ang naaliw sa pagkakaibigan nina Klarisse De Guzman, Mika Salamanca, Esnyr, Will Ashley, at Shuvee Etrata. Ang kanilang samahan ay kaagad naging isang pamilya, lalo na't tinatawag ng netizens si Klarisse bilang Nation's Mowm.

Sa kanilang latest vlog, masayang binalikan nina Mika, Will, Klarisse, at Shuvee kung paano nagsimula at tumibay ang kanilang grupo.

Aminado ang lahat na hindi nila inaasahang ituturing silang isang pamilya ng kanilang mga tagahanga sa labas ng bahay.

"Hindi naman talaga natin siya in-expect eh. Like kumbaga sa loob ng bahay wala naman talaga kaming sinabi na parang,'Okay pamilya tayo ah. Like ganito tayo paglabas natin meron tayong designated role in our lives," ani Mika.

Para naman kay Shuvee, may isang taong nagsilbing "core" ng kanilang samahan.

"Core person in our group na ni-reunite kami ni mowm. Because of her, talaga na buhay 'yung Pamilya De Guzman. Hindi naman siya plinano, hindi din siya nabuo dahil pinilit namin. Masaya po talaga kami sa loob ng Bahay ni Kuya as family. Nagkataon lang talaga palagi kaming magkasama. Ta's sa labas tinuloy-tuloy na din namin. Pero it's all because of you mowm," paliwanag ni Shuvee.

Sa kabila nito, inamin ni Klarisse na hindi rin niya inaasahang magiging Nation's Mowm ng lahat.

"Ang akala ko nga lang parang magto-tropa lang ano natin... Hindi ko in-expect na magiging mowm," kwento niya. " In-embrace ko na lang din na ano, 'Oh my God,' na parang nanay na nga ako."

Dagdag ni Mika, "At saka ano kasi feeling ko tayong lahat ang pinaka-common denominator natin talaga si Ate Klang dito."


Mapapanood muli na magkasama sina Klarisse De Guzman, Mika Salamanca, Esnyr, at Will Ashley sa The Secrets of Hotel 88, Monday to Friday, 9:35 p.m sa GMA Prime. Napapanood na rin ang late telecast nito sa GTV at sa Kapuso Stream.

Samantala, panoorin din si Shuvee Etrata sa horror film na Huwag Kang Titingin, now showing sa mga sinehan nationwide. Abangan ang kanyang bagong serye na Master Cutter ngayong May!

Kilalanin ang Pamilya De Guzman sa gallery na ito: