
Isang masayang production number ang inihanda ng Pamilya De Guzman ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition para sa madlang people sa It's Showtime stage nitong Sabado, July 19.
Pinangunahan nina Klarisse De Guzman at Mika Salamanca ang opening performance sa pamamagitan ng kanilang duet ng trending na kanta ngayon ni Sarah Geronimo na “Sino Nga Ba Siya.”
Ang naturang kanta ay isa sa mga tampok sa throwback videos ni Mika na nag-viral kamakailan.
Sa duet nga nila ni Klarisse ay may suot pa si Mika na backpack kagaya ng nasa trending video niya.
Ang performance nina Mika at Klarisee ay sinundan ng dance number nina Esnyr, Shuvee Etrata, at Will Ashley sa isa ring trending TikTok song na “My Main.”
Sa dulo ay nagsama-sama ang lima na binansagang Pamilya De Guzman para sa isang aliw na dance performance.
Ayon kay Will ay hindi nila in-expect na tatangkilikin ng mga tao ang bond na nabuo nila sa loob ng Bahay ni Kuya.
“Nagulat po ako pagkalabas ko. 'Di ko inexpect na 'yung relationship na na-build namin 'dun eh talagang nakita ng mga tao na genuine talaga,” saad ni Will.
Samantala ay pinasalamatan naman ni Mika ang kanilang mga taga-suporta.
“Nagpapasalamat po kaming lahat sa mga patuloy na sumusuporta sa'min at nakikita po 'yung pagmamahal namin sa isa't isa, even sa outside world,” ani Mika.
Kinagigiliwan ngayon ng netizens sina Klarisse, Mika, Esnyr, Shuvee, at Will bilang Pamilya De Guzman.
Ang ginawang broadcast channel ni Will sa Instagram na “Yoma Akus” para sa grupo ay kasalukuyang mayroong higit sa isang milyong members na.
KILALANIN ANG PAMILYA DE GUZMAN SA GALLERY NA ITO: