
Reunited ang Pamilya De Guzman para sa early birthday celebration ng Nation's Mom na si Klarisse De Guzman.
Busy man sa kani-kanilang proyekto at ganap sa outside world, hindi pinalampas ng mga itinuturing na "anak" ni Klarisse ang pagkakataon upang magkakasama nilang i-celebrate ang special day ni Mowm.
Nakatanggap ng sorpresa si Klarisse mula kina Mika Salamanca, Will Ashley, Shuvee Etrata, at Esnyr, at labis itong kinagiliwan online.
Sa latest post ni Esnyr sa Facebook, makikita ang group photo nila ng kapwa niya miyembro ng Pamilya De Guzman at ng birthday cake na ibinigay nila kay Klarisse.
Nakalagay sa mismong cake ang listahan ng kanilang naging ambagan para sa pa-birthday surprise nila sa Star Magic artist.
Bukod sa apat na ex-housemates, mababasa rin sa cake ang pangalan ni Brent Manalo.
Sulat naman ni Esnyr sa caption ng kaniyang post, “HBD (happy birthday) Mowm! Pa-refund na lang din ng surprise namin, add ka namin sa gc para sa breakdown ng gastos.”
Samantala, nabuo ang grupo at malalim na samahan nina Mika, Will, Shuvee, Esnyr, at Klarisse sa kanilang naging journey sa loob ng Bahay Ni Kuya sa katatapos lang na collaboration project ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Meet Pamilya De Guzman