What's Hot

Pamilya Martinez nagpapakatatag sa burol ni Liezl

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino, ‘grateful’ na umabot sa edad 55: ‘I am now praying to reach 60’
Fire breaks out in uptown mall in Cebu City
Royal Glow: Every head-turning Sparkle star at the Malacañang Gala

Article Inside Page


Showbiz News



Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Liezl Martinez ngayong Lunes (March 16).
By BEA RODRIGUEZ
 
Pumanaw nitong Sabado ng umaga (March 14) ang aktres na si Liezl Martinez, na asawa ng actor na si Albert Martinez pagkatapos labanan ang kanser ng pitong taon?.? ?Inilagak ang kanyang mga labi sa? The Heritage, Fort Bonifacio, Taguig C?ity?.
 
READ: Liezl Martinez passes away 
 
Base sa live report ni Cata Tibayan sa 24 Oras,? hindi pa handa?ng? magbigay ng ?pahayag? ang pamily?a? Martinez sa pamamagitan ng panayam, subalit, sa Instagram na ?i?dinaan ng asawang si Albert? ang kanyang saloobin? na nag-post ng litrato at nagsabing utang niya sa pumanaw na ang asawa ang lahat na natamo sa buhay.
 
 

She was my wife, my partner, my best friend. We grew up together. We raised a family together. She was a wonderful mother who devoted her entire life to our children. I have three wonderful kids because of her. She was a supportive wife, who stood beside me in every endeavor, big or small. I am grateful to her. I owe everything to her. I have a successful career and happy home life because of my wife Liezl.

A photo posted by Albert Martinez (@albertmartinez_) on

 
Nag-post din sa Instagram ang panganay na anak n?a si Alyanna na namimis?s niya na ang kanyang ina pero masaya siya kasi malaya na? ito? sa sakit.
 
 

I love you so much Mama???? I miss you already but atleast I know for sure that you are finally free of all emotional and physical pain and suffering forever. Till we meet again???? @liezlmartinez

A photo posted by Alyanna Martinez (@alyannamartinez) on

 
Ang nakakabatang anak naman na si Alissa ay nag-post din sa Instagram ng larawan nila ng nami-miss? niyang ina at sinabing nagpapasalamat siya sa lahat ng magagandang alaala na nagsisilbing lakas para siya’y magpatuloy.
 
 

My dearest mama, BFF and now Guardian Angel. Thankful to have had so many good memories that will keep me going. We did everything together and it's a really weird feeling not having you around. You will always be my BFF ????. I miss you everyday. I love you.

A photo posted by Alissa Martinez ???????? (@alissamartinez) on

 
Pilit nagpapakatatag ang pamilyang Martinez sa pagkawala ni Liezl habang binibisita ng mga kamag-anak, kaibigan? at ?kapwa? artista ?na?ng pumanaw na aktres sa nasabing lamay.
 
READ: Celebrities, netizens, nakiramay sa pagpanaw ni Liezl Martinez 
 
Ayon sa malapit na kaibigan ng pamilya na si Manay Ichu Vera-Perez, nagkausap at naglabas ng sama ng loob ang ak?tor at tatay ni Liezl na si Romeo Vasquez na hindi pa rin ?daw nito ?tanggap ang pagpanaw ng anak.
 
“Meron siyang interview I think two years ago, she said she wants to go anytime, [sinabi niyang] parang she had good kids, she became a mother so what more could she ask for? What a lovely human being so it’s a loss I feel” ang sabi naman ng Megastar Sharon Cuneta sa panayam niya sa 24 Oras.
 
READ: Fans, family and celebrities bid goodbye to Liezl Martinez 
 
Ayon kay Cata Tibayan, nakatakdang?i i-kre-cremate ang mga labi? ni Liezl ngayong Lunes (March 16)? sunod sa kanyang hiling.