
Sa Tadhana: Perlas, magbabago ang buhay ng isang pamilya ng mangingisda matapos makatagpo ng isang perlas, ngunit kayamanan nga ba o kapahamakan ang hatid nito?
Upang makapagtapos ng pag-aaral, napilitang manirahan at magtrabaho si Gina sa poder ng kanyang tiyang si Gloria. Sa halip na kalinga, hirap at pang-aabuso ang dinanas ni Gina, na tila hindi itinuturing na pamilya kundi parang trabahador lamang sa palengke.
Samantala, sa probinsya, patuloy ang simpleng pamumuhay ng ama ni Gina kasama ang kanyang kapatid na si Bugoy bilang mga mangingisda. Isang araw sa kanilang paglaot, isang pambihirang biyaya ang kanilang natagpuan, isang perlas. Ngunit habang tila sagot ito sa kanilang kahirapan, unti-unti ring lumilitaw ang tanong: Ang perlas ba ay magdadala ng pag-asa o magiging ugat ng kapahamakan para sa mag-aama?
Abangan ang makapangyarihang pagganap nina Wendell Ramos, Althea Ablan, Royce Cabrera, Aleck Bovick, Zyren Dela Cruz, at Larkin Castor.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kauna-unahang handog ng Tadhana para sa 2026, Tadhana: Perlas, ngayong Sabado, 3:15 p,m, sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs Facebook at YouTube livestream.