GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Pamilya ng basketball legend na si Dondon Hontiveros at volleyball superstar na si Shaina Nitura, magpapagalingan ngayong hapon sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published August 11, 2026 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte, 2 OVP officials liable for P73-M confi fund disbursement —COA auditor
Catriona Gray's clothing collab to be sold at art fair fundraiser
LIVE - Impeachment Trial of VP Sara Duterte - DAY 14 (Aug. 11, 2026) | GMA Special Coverage

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kilalanin ang players ng Hontiveros Family at Nitura Family na maghaharap sa 'Family Feud' ngayong August 11!

Sports showdown ang aabangan ngayong Martes sa Family Feud sa paghaharap ng Hontiveros Family at Nitura Family.

Ngayong August 11, mapapanood ang Hontiveros family na pinangungunahan ng PBA legend na si Dondon Hontiveros. Siya ay dating miyembro ng Philippine national team at naging captain ng Gilas Pilipinas noong 2015. Sa ngayon, nagsisilbi siyang head coach ng University of Cebu Lapu-Lapu-Mandaue at aktibong naglalaro para sa Cebu Greats sa MPBL.

Kasama niya sa laban ang kanyang anak at teammate na si Ice Hontiveros, fellow Cebu Greats player na si Kint Ariar, at longtime coach at teammate na si Elmer de Chavez Jr.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Makakatapat nila ang Nitura Family na binubuo ng mga atletang may kanya-kanyang achievement sa Philippine sports scene.

Nangunguna sa kanilang team si Shaina Nitura, ang UAAP Season 88 Best Outside Spiker at MVP. Siya ang kauna-unahang MVP mula sa Adamson University at miyembro rin ng Alas Pilipinas. Hawak din niya ang highest UAAP scoring record na 38 points sa single match.

Kasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Lance Nitura, isang NCAA Juniors champion at incoming Mapua Cardinals rookie; Cyrus Nitura, miyembro ng NCAA Season 101 All-Defensive Team ng Mapua Cardinals; at ang dating MPBL player na si Iñigo Nitura.

Abangan ang tapatan ng Hontiveros family at Nitura family sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 11, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.