GMA Logo Family Feud Capulong family
What's on TV

Pamilya ng TikTok star na si Nikki Capulong, wagi ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published January 31, 2023 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Capulong family


Congratulations, Capulong Family!

Panalo ng PhP200,000 jackpot prize ang team ng TikTok star na si Nikki Capulong sa kanilang paglalaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud ngayong Lunes, January 30, 2023.

Kasama ni Nikki sa kanyang team ay ang kanyang pamilya. Una na rito ang kanyang tatay at nanay na sina Jun at Tina Capulong, at kanyang kapatid na si Bebea Capulong.

Kilala Nikki online dahil sa kaniyang mga nakakaaliw na dance videos kasama ang kanyang ama na si Jun. Sa katunayan, may mahigit sa 8 million followers na si Nikki sa kanyang TikTok account. Bago naman sumalang sa hulaan, nagpa-sample muna ang dalawa ng kanilang galing sa pagsayaw.

Sa nasabing episode, nakalaban naman nina Nikki ang kapwa social media stars mula sa Bulacan na Team Bugok kasama sina Lovely Dela Peña, Norvin Dela Peña, Fort Yalong, at Jonjon Dela Peña.

Sa first round ng game, panalo ang Team Bugok sa score na 79 points pero nakabawi naman ang Team Capulong sa second round sa score na 38 points nang masagot nila ang huling survey answer sa tanong na, “Bukod sa alikabok, ano pang bagay ang puwedeng magpaluha sa'yo?”

Umubra rin ang strategy ng Team Capulong sa third round nang mag-pass muna sila sa tanong na, “Magbigay ng bulaklak that comes in different colors.” Dahil mahirap ang tanong bigong mahulaan ng Team Bugok ang lahat ng survey answers. Sa round na ito, pumalo sa 206 points ang Team Capulong.

Pagdating sa fourth round kung saan triple na ang magiging score, naungusan pa ng Team Capulong ang kalabang team sa score na 497 points.

Sina Nikki at Bebea ang sumalang sa last round o fast money round. Dito ay nakakuha lamang si Bebea ng 36 points pero nahabol ni Nikki ang kinakailangang puntos nang mahulaan niya ang apat na magkakasunod na top answers. Dahil dito nakabuo sila ng 203 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang GMA Kapuso Foundation Inc. bilang napiling charity ng Team Capulong habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang Team Bugok.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: