
Pamilya ng kilalang action star at good-looking celebrity golf buddies ang maghaharap sa Monday episode ng Family Feud.
Ngayong November 10, siguradong aabangan ng mga manonood ang star-studded and action-filled tapatan ng players ng pamilya ni Jeric Raval, at handsome celebrities na golf course buddies.
Ang team leader ng Raval Family ay ang isa sa mga iconic '90s action star na si Jeric Raval. Makakasama niya ang famous and fearless daughter at isa sa mga hottest young actresses na si AJ Raval. Kabilang din sa team ang kaniyang mga anak na sina Gaive at JK na magpapakita ng kanilang humor, confidence, and family pride.
Makakatapat nila ang classy and good-looking men ng team na Celebrity Golf Buddies. Ang mamumuno naman sa kanilang team ay isa ring '90s action star at national taekwondo athlete na si Monsour Del Rosario. Makakasama niya sa Family Feud stage ang veteran heartthrobs na sina Tonton Gutierrez, Emilio Garcia, at ang multi-talented na si Ronnie Liang.
Kilalanin ang magwawaging team sa Monday episode ng Family Feud ngayong November 10, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: