GMA Logo De Leon Family
What's on TV

Pamilya ni Matet De Leon, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published April 14, 2023 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Historic finds and young hobbyists shine at Minted MNL's 2025 year-end show
Signal No. 1 up over 16 areas as Wilma moves over the coastal waters of Samar
#WilmaPH accelerates slightly as it crosses Samar

Article Inside Page


Showbiz News

De Leon Family


Congratulations, De Leon Family!

Successful ang naging pag-resbak ng pamilya ni Matet De Leon nang maipanalo na nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang muling paglalaro sa huling araw ng weeklong anniversary special ng Family Feud ngayong Biyernes, April 14.

Kasama ni Matet sa kaniyang team ang kaniyang asawa na si Mickey Estrada, kanilang anak na si Icay Estrada, at pamangkin ni Mickey na si Nicole del Rosario.

Sa nasabing episode, nakalaban nina Matet ang pamilya ng kapwa niya child star noon at second time player na rin sa Family Feud na si Ice Seguerra kasama ang asawa nito na si Liza Diño, kapatid ni Liza na si Abell Diño-Cabrera, at si JC Seguerra.

Sa kanilang resbak game, panalo na agad ang De Leon family sa first at second round sa score na 125 points.

Pagdating sa third round, na-steal ng team ni Ice ang game nang mahulaan nila ang huling survey answer sa tanong na, “Ano ang puwedeng iregalo sa taong sobra-sobra na ang pera?” Dito ay nakakuha ang Diño-Seguerra Family ng 52 points.

Samantala, pagdating sa fourth round, kung saan triple na ang makukuhang points, muling nasungkit ng De Leon family ang game sa score na 398 points.

Sa fast money round, sina Matet at mister niya na si Mickey ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 211 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Cribs Foundation bilang napiling charity ng De Leon Family habang mayroon namang PhP50,000 ang Diño-Seguerra Family.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: