GMA Logo Family Feud The Fast and The Furious 4
What's on TV

Pamilya ni Nina Ricci Alagao panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published July 21, 2022 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud The Fast and The Furious 4


Wagi ang pamilya ni Nina Ricci Alagao na team The Fast and The Furious 4 sa kanilang paglalaro sa 'Family Feud.'

Sumalang sa kakaibang question-and-answer portion ang mga pamilya ng beauty queen na si Nina Ricci Alagao at fashion journalist na si Apples Aberin sa kanilang paglalaro sa Family Feud ngayong Huwebes, July 21.

Sa episode na ito ay nanalo ang team ni Nina na The Fast and The Furious 4 na binubuo ng kanyang pamilya kasama ang kanyang anak na si Calvin Alagao at mga kaibigan na sina Mayette Aguas at Vernald Magpasao.

Nakalaban nila ang pamilya ng fashion journalist na si Apples at asawa nito na si Miles Roces, anak na si Jahia Roces, at kaibigan na si Odette Pumaren.

First round pa lang ay leading na ang team nila ni Nina hanggang sa magtuloy-tuloy na ang kanilang panalo sa mga sumunod pa na rounds.

Sa last round at fast money round ay nakakuha ng 225 points ang pamilya nila ni Nina na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Brave Warrior Kids bilang napiling beneficiary ng nanalong team.

Ang The Fast and The Furious 4 team ay ang latest jackpot prize winner ng Family Feud, sinundan nila ang team Comic Avengers na binubuo ng stand-up comedians at impersonators na sina Michelle, Mamu Andrew, Gray, at Taki.

Samantala, bukas na rin ang pintuan ng Family Feud para mga nais maging studio live audience, magtungo lamang sa GMANetwork.com para sa iba pang detalye.

KILALANIN NAMAN ANG STUNNING KAPUSO BEAUTY QUEENS SA GALLERY NA ITO: