
Maghahain ng isang espesyal na Friday episode ang Family Feud para i-celebrate ang beauty of marriage at strength of family ties.
Ngayong February 20, ipakikita ang pagalingan sa survey board ng showbiz royalty at isang high-profile powerhouse family.
Maglalaro sa Team LT ang anak ng yumaong action icon na si Rudy Fernandez at Grand Slam Actress na si Lorna Tolentino na si Renz Fernandez. Makakasama niya sa Family Feud stage ang kanyang asawa na si Jef Gaitan, ang tiyuhin ni Renz na si Jun Tolentino, at ang asawa nitong si Rhina Tolentino.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Para naman sa Team Four Sure mapapanood ang Sparkle artist at lifestyle host na si Janeena Chan-Say. Kasama niya ang kanyang mister na si Engr. Morgan Say, na hinahangaan sa larangan ng real estate development, venture capital, at consumer marketing. Kasama rin nila sa Family Feud ang mga magulang ni Morgan. Ang respetadong businessman at socio-civic leader na si Michael Say at si Luz Policarpio-Say.
Subaybayan ang fun family moments sa Family Feud ngayong February 20, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000!