
Wagi ng PhP200,000 jackpot prize ang pamilya ng dating action star at pulitiko na si Rey Malonzo kasama ang kanyang asawa na si Gigi at anak na sina PJ at CK Malonzo sa kanilang paglalaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud ngayong Martes, November 22, 2022.
Sa nasabing episode nakalaban nila ang pamilya ng kapwa action star na si Jeric Raval. Kasama ni Jeric ang kanyang mga babaeng anak na sina Janina, JM, at Tiffany Raval.
Leading ang Raval Family sa first two rounds ng game sa score na 116 points.
Sa third round, mas lalo pang nanguna ang pamilya ni Jeric nang mahulaan nila ang dalawang sagot sa survey question na bigong masagot ng Malonzo Family. Dito ay nakakuha sila ng perfect score na 188 points.
Sa fourth round kung saan triple na ang magiging score sa tamang sagot, na-steal ng Malonzo Family ang game sa score na 273 points nang mahulaan nila ang tatlong survey answers sa tanong na, "Magbigay ng bulkan sa Pilipinas na sumabog sa nakaraang 50 years."
Dahil dito, sila ang nagtuloy sa last round na fast money round kasama sina CK at PJ. Sa round na ito, nakabuo ang dalawa ng 230 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.
Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang TLF Share Collective Inc. bilang napiling charity ng Malonzo Family.
Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
SILIPIN ANG ILAN SA '90s ACTION HEARTTHROBS NA KINAGILIWAN NOON SA GALLERY NA ITO: