GMA Logo Sofronio Vasquez and his family
Image Source: sofroniovasquez (IG) and hazel.parojinogconde (FB)
What's Hot

Pamilya ni Sofronio Vasquez, nagbubunyi sa kanyang pagkapanalo sa 'The Voice USA'

By Jansen Ramos
Published December 12, 2024 4:19 PM PHT
Updated December 13, 2024 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino tells followers: ‘I’m alive because of your prayers’
Farm To Table: May masarap na ihahain ngayong Linggo!
Aye The Anchor On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Sofronio Vasquez and his family


Proud na proud ang pamilya ni Sofronio Vasquez sa Misamis Occidental matapos siyang tanghaling kauna-unahang Pinoy winner ng 'The Voice USA.'

Mula Amerika hanggang Pilipinas, ipinagdiriwang ang pagkapanalo ni Sofronio Vasquez sa 26th season ng The Voice USA.

Pero higit na nagbubunyi sa kanyang tagumpay ay ang kanyang pamilya sa Misamis Occidental na proud na proud sa kanyang achievement.

Sa Facebook Reel na in-upload ng pinsan ni Sofronio na si Hazel Conde, mapapanood na naghiyawan sila sa saya at napatayo mula sa kanilang kinauupuan nang ianunsyo na si Sofronio ang bagong winner ng US version ng The Voice.

Hindi rin nila maiwasang maiyak dahil sa karangalang ibinigay ng kanilang kapamilya na unang Asian at Pinoy na nagwagi sa The Voice USA.

Saad sa caption, "Thank you all for the never ending support and the prayers! We are so proud of you Sofronio Vasquez III! We love you cuz! Thank GOD!"

Ayon pa kay Hazel, tagumpay din ng kanilang pamilya ang pagkapanalo ni Sofronio.

Aniya, "Celebrating my cousin's incredible victory on “The Voice” Sofronio Vasquez III! Proud doesn't even begin to cover it! #TheVoiceChampion #FamilyWin"

Bilang The Voice USA winner, nakatanggap si Sofronio ng USD 100,000 o PHP 5.8 million at recording deal sa ilalim ng Universal Music Group bilang kanyang premyo.

Samantala, gaganapin naman ang grand finale ng The Voice Kids ngayong Linggo, December 15.

Ang maglalaban-laban ay sina Wincess Jem Yana ng Team Bilib, Nevin Adam Garceniego ng Tropa ni Pablo, Mark Anthony "Makmak" Punay ng Julesquad, at Jan Hebron Ecal ng Stellbound.

Sa huli, boses ng taumbayan ang mananaig dahil public vote ang tutukoy kung sino ang mananalo sa The Voice Kids.

Para makaboto, siguraduhing may account sa GMANetwork.com o GMA mobile app.

Para sa mga wala pang Kapuso account, maaaring mag-register dito para makasali sa online voting sa GMANetwork.com/TVKVote na magbubukas sa gabi mismo ng grand finals sa December 15.

Ang tatanghaling The Voice Kids grand champion ay makakapag-uwi ng one million pesos cash prize, recording and management contract sa ilalim ng UMG Philippines, at brand new house and lot mula sa Vista Land.

Mapapanood ang finale episode ng The Voice Kids ngayong Linggo, December 15, 7:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.