
Kakarating lang ni Thea Astley sa bansa pagkatapos mag-renew ng kanyang visa sa Qatar. Ayon sa The Clash Season 2 finalist, malaki raw ang epekto ng travel ban sa nasabing bansa lalo na ngayong panahon ng tag-init.
Kuwento kasi ni Thea, dapat ay magkikita sila ng kaniyang pamilya ngayong Abril pero dahil sa travel ban ay 'di na ito matutuloy.
Sambit niya kay 24 Oras reporter Aubrey Carampel at press, “'Yung buong family ko po, dapat they were gonna come here in April to visit me pero, wala.
“At 'di rin po ako pwedeng makapunta roon kasi there's a travel ban. Qatar won't allow anyone flying from the Philippines.”
Dagdag ni Thea, magsisilbi sanang summer vacation nilang pamilya 'yon lalo na't walang pasok ang kanyang nakababatang kapatid.
“Kasi summer break rin po sana ng kapatid ko. Three months po sana siya mag-stay dito kaso nga lang 'di na siya makakauwi and 'di rin ako makakapunta doon to see my family.
“Kaya wish ko na lang is sana 'yung summer heat, patayin niya 'yung virus.”
Ayon pa sa Kapuso singer, kinakailangan rin niyang bumalik sa Qatar para i-renew ang kanyang residency sa nasabing bansa.
“Sa Qatar po kasi kailangan mong mag-renew ng residency every six months.
“E, di ko naman po in-expect na magkakaroon ng travel ban.
“So, kailangan ko rin po makabalik doon mga August or September so hopefully wala na 'yung virus at matapos na 'yung travel ban by that time.”
Hindi naman daw siya nawawalan ng pag-asa na makapiling ang kanyang pamilya. Ang mahalaga para sa kanya ay pagbutihin ang kanyang trabaho upang abutin ang kanyang pangarap at mabigyan ng mabuting kinabukasan ang pamilya.
“This is my dream, e. Kaya naman talaga ako sumali sa The Clash kasi I want to create my own music.
“Pero at the same time, mahirap din naman po ang maging malayo sa pamilya.
“Ultimately at the end of the day, iniisip ko na lang na kailangan kong pagbutihin 'to kasi ginagawa ko naman talaga 'to para sa pamlya ko.”
Nag-renew ng kontrata si Thea Astley ngayong umaga, March 10, sa GMA Artist Center. Kasama niyang pumirma ay sina Assistant Vice President Simoun Ferrer and Senior Talent Manager Joy Marcelo ng GMA Artist Center.
Jeremiah Tiangco, balak ligawan si Thea Astley?
Thea Astley, inaming hindi pang-contest ang talento sa pagkanta