
Masaya ang Valentine's Day celebration ng pamilya ni Wilma Doesnt dahil sa kanilang pagkakapanalo sa Family Feud!
Ngayong February 13, nakasama ni Wilma sa Team Bebelub nina Otit, Asiana, at Emi. Nakalaban naman nila sa episode na ito sina Whamos Cruz at kanyang Team Whamonette na kinabibilangan nina Antonette, Marianne, at Marlon.
Ang Team Bebelub ay nakakuha ng 419 points kaya sila ang nakapasok sa jackpot round. Nauwi naman nila ang jackpot na PhP 200,000 dahil sina Wilma at Asiana ay nakakuha ng 211 points. Panalo rin ang kanilang napiling charity na Mama's Hope Haven of Norway Inc.
Narito ang winning moment ni Wilma sa Family Feud:
Samantala, subaybayan ang "More Tawa, More Saya" episodes ng Family Feud. Huwag rin kalimutang sumali sa Guess to Win promo.