
Nagpunta na ang pamilya ni Arjo Atayde sa bahay ng fiance nito na si Maine Mendoza noong Linggo, June 25, para mamanhikan.
Sa dalawang Instagram video posts ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez, inanusyo nito ang pagpunta nila sa bahay nina Maine sa Bulacan. Sa unang video, makikita na nakasakay sila sa isang helicopter.
“Off to a very important destination,” sulat ni Sylvia sa caption ng kanyang post.
Sa pangalawang video ay nasa sasakyan na sina Sylvia at maririnig na sinabi nitong “Andito lahat ng kotse ng Atayde.”
Pagdating nila sa tapat ng bahay nila Maine ay sinalubong sila nito at binati ni Sylvia ang dalaga.
“Nakarating na rin kami dito sa wakas. Bababa na'ko at magkikita na tayo diyan,” sabi nito, bago tapusin ang video.
Sa caption, sinulat niyang nasa “Very important destination” na sila.
Sa baba, makikita ang hashtag niyang #pamamanhikan, #AtaydeMendoza, #family, at iba pa.
Sa comments, marami ang bumati at nagsabi pa na sa wakas ay magkikita na ang magbalae.
April 2023 nang magpahayag ng pasasalamat si Sylvia kay Maine sa pagiging partner nito kay Arjo sa isang Instagram video.
“Thank you, Maine [red heart emoji]. My heart is full! Love you both,” caption nito.
July 2022 nang inanunsyo nina Maine at Arjo ang kanilang engagement sa kanilang Instagram posts.
“Wait, whaaaat??? We're engaged?!" sulat ni Maine sa Caption.
Taong 2019 nang aminin ni Maine na nagde-date sila ni Arjo at 2020 pa lang ay pinag-uusapan na nila ang kasal. Ngunit sinabi ni Maine na hindi muna siya magpapakasal hangga't hindi settled ang mga kapatid niya.
Ikinasal ang kapatid niyang babae noong May 2022, samantalang 2021 naman nang ikasal ang kapatid niyang lalaki.
SAMANTALA, TINGNAN ANG HIGHLIGHTS NG THREE-YEAR RELATIONSHIP NINA ARJO AT MAINE DITO: