Tila hindi pa sapat ang ingay sa pagsalubong ng bagong taon. Sumasabay at nakikigulo pa kasi ang kanya-kanyang pamilya ng mag-asawang katatampukan nina Ethel Booba at Archie Alemania sa episode ng Dear Uge ngayong Linggo, January 1.
Imbes na magbigayan ngayong holiday season, nag-aagawan pa ang mga magulang ng mag-asawang sina Sandra (Ethel Booba) at Elmer (Archie). Gusto kasi ng magkabilang partido na makasama nila ang kanilang anak sa darating na bagong taon. Tila World War II ang nangyayari sa magbalae na sina Pacita, nanay ni Elmer, at Herminia, nanay ni Sandra.
Sa kabila nito, magdedesisyon pa rin ang mag-asawa na sa Japan mag-celebrate ng New Year. Magkakaayos pa kaya sila o lalo lang lalala ang gusot sa pagitan ng kanilang pamilya?
Makisalo na sa kuwentuwaang pinamagatang ‘Remedyo Noche.’ Tutok na ngayong Linggo, January 1, sa Dear Uge pagkatapos ng Sunday PinaSaya!