
Nasaksihan noong Sabado sa "Killer Menudo" episode ng Wish Ko Lang ang perwisyong naranasan ng pamilya ni Sol (Rochelle Barrameda) matapos na malagay sa kritikal ang kalusugan ng ina nitong si Agnes (Madeleine Nicolas), na biktima ng food poisoning sa dinaluhang kasalan.
Sa halip na tulungan ni Sylvia (Maila Gumila), ang ina ng ikinasal na siya ring nagluto ng menudong nakalason sa kanila, ay pilit pa silang ginipit at wala man lang pakialam.
Kaya naman inilapit ng Wish Ko Lang ang mag-inang Sol at Agnes sa isang legal expert para matulungan kung posible nga ba silang makapagsampa ng reklamo laban kay Sylvia.
Naghanda rin ng regalo ang programa at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales para sa pagsisimulang muli ng pamilya ni Sol.
Kasama sa negosyo packages ang laundry business, sabon refilling business, grocery supplies, gourmet sardines business, at yema spread business. Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang.
Nagbigay rin ng medical assistance ang programa para masigurong maayos ang kalusugan ni nanay Agnes.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: