
Nasaksihan noong Sabado, October 29, sa "Ganti ng Daga" episode ng Wish Ko Lang ang perwisyong inabot ng isang pamilya dahil sa mga daga.
Matapos na mamatay sa leptospirosis ang bunsong anak ng mag-asawang Sharon (Via Veloso) at Abet (Gio Alvarez), sunod naman na binawian ng buhay ang panganay nilang si Mitoy (Jon Lucas), asawa ni Klarisse (Lianne Valentin), nang dahil sa kaparehong sakit.
Kaya naman para matulungang makapagsimulang muli, agad na naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Kasama sa negosyo packages ang gourmet seafood products business, grocery supplies, at coffee business package.
May handog din na brand new home appliances at solar panel lights ang programa. Hindi rin mawawala ang tulong pinansyal ng Wish Ko Lang.
At para masolusyunan ang problema ng pamilya ni Klarisse sa mga daga, nagpadala ng pest control service sa kanilang lugar ang programa.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MAGAGANDANG LARAWAN NI LIANNE VALENTIN SA GALLERY NA ITO: