
Nasaksihan noong Sabado sa "Tsismis" episode ng Wish Ko Lang ang mga paninirang naranasan ni Nida (Ara Mina) sa kanyang mga kapitbahay na sina Millet (JC Parker) at Osang (Sheree) at ang paulit-ulit na panloloko sa kanya ng mister na si Tonton (Paolo Paraiso).
Sa ngayon, tahimik nang namumuhay si Nida kasama ang anak na si Ester matapos mapagdesisyunang iwanan na ang asawa at ang mga tsismosa niyang kapitbahay.
At para sa tuloy-tuloy na magandang simula ng mag-inang Nida at Ester, naghanda ng tulong ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Kasama sa negosyo packages na handog ng programa ay ang frozen good business, tapa flakes business, leche flan business, rice soap business, at RTW for kids business.
Mayroon ding regalong brand-new double burner stove, electric fan, air purifier, brand-new flat screen tv, at living room showcase ang Wish Ko Lang para sa mag-ina. Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng programa.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang top 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: