GMA Logo Gerard Pizarras, Bernadette Alyson, and Shanelle Agustin
What's Hot

Pamilyang nasunugan ng bahay dahil sa mga inggiterang kapitbahay, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published September 12, 2022 7:37 PM PHT
Updated September 12, 2022 7:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US State Department expands visa restriction policy in Western Hemisphere
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Gerard Pizarras, Bernadette Alyson, and Shanelle Agustin


Isang bagong simula ang hatid ng 'Wish Ko Lang' para sa pamilya nina Rex at Gina na nawalan ng bahay dahil sa mga inggitera nilang kapitbahay.

Nasaksihan noong Sabado sa "Inggiterang Kapitbahay" episode ng Wish Ko Lang ang hirap na naranasan ng pamilya nina Rex (Gerard Pizarras) at Gina (Bernadette Alyson) na nagsisikap umasenso sa buhay pero pilit na hinila pababa ng mga inggitera nilang kapitbahay.

Matapos ang paninira at pamemerwisyong ginawa sa kanilang negosyo, nagawa ring sunugin nina Eloisa (Gwen Garci) at Dante (Paolo Serrano) ang kanilang bahay.

Sa ngayon, nakaalis na sina Rext at Gina sa dati nilang tinitirhan. Kaya naman para matulungang makapagsimulang muli ang mag-asawa, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages ang bigasan business, detergent and dishwashing soap business, at beauty products business.

Mayroon ding grocery supplies, at home appliances and furniture para sa kanilang dream house. Para naman sa anak nina Rex at Gina na si May (Shanelle Agustin), may inihandang scholarship assistance ang programa.

Hindi rin mawawala ang Wish Ko Lang savings, tulong na pinansyal ng programa para kina Rex at Gina.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: