
Masakit pa rin para sa pamilya ni Angelo (Clarence Delgado) ang maagang pagkamatay nito dulot nang sobrang pagdurugo matapos na magpatuli.
"Sobra talaga 'yung pagbi-bleed ng bata. Pwede kasi na nawala na 'yung volume ng blood na dapat magsi-circulate sa katawan ng tao kaya hindi na nagpa-function nang mabuti ang kanyang katawan and nagkaroon na talaga ito ng shock," paliwanag ni Dr. Gerald Belandres sa pagkamatay ni Angelo.
Dahil sensitibo ang kaso ni Angelo, inilapit ng Wish Ko Lang sa isang legal expert ang pamilya nito para mabigyan ng gabay.
Naghanda rin ang programa at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales ng tulong pinansyal para sa bagong simula ng pamilya ni Angelo.
Kasama naman sa negosyo packages na handog ng Wish Ko Lang ang sari-sari-store business, fruit and native delicacies business, perfume business, pastry business, yema spread business, car care business, dishwashing liquid business, at bagoong alamang and chili garlic business.
Inilapit din ng programa sa isang espesyalista ang ina ni Angelo para malaman ang tunay na karamdaman nito.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa "Buboy Aso" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, mas kilalanin pa ang teen actor na si Clarence Delgado sa gallery na ito: