
Siniguro ni John Bonifacio, ang bagong koronang Mister Cosmopolitan 2026, na ipakita ang kanyang pasasalamat sa mga kababayan ngayong iuuwi niya ang pinakaunang Mister Cosmopolitan win ng bansa.
Sa isang Reel na inupload sa Mister Pilipinas Worldwide Instagram account, makikita si John na masayang nagpapasalamat sa kanyang mga Filipino fans. Ayon sa kanya, ang kanyang panalo ay para sa kanila.
Nakatanggap na rin ng appreciation si John para sa kanyang accomplishment mula mismo kay Miss Universe Philippines president and CEO Jonas Gaffud, na nagsabi sa kanyang Instagram post na nagbunga na ang hard work at dedication ni John.
Nanalong Mister Cosmopolitan Philippines si John sa Mister Pilipinas Worldwide finals night na ginanap noong May sa Bigger Pictures sa Mandaluyong City. Maliban kay John, ang iba pang nanalo noong gabing iyon ay sila Mister Pilipinas Supranational 2026 Felipe Marasigan, Mister Pilipinas Manhunt Supermodel 2026 JP Gundayao, Mister Pilipinas International 2026 John Wayne Alba, Mister Pilipinas Global 2026 MJ Ordillano, Mister Pilipinas Eco International 2026 Godfrey Murillo, Mister Pilipinas Worldwide 2026 Jason Lopez, at Mister Pilipinas 2026 Enzo Bonoan. Ang mga runners-up ay sila first runner-up Zach Russell, second runner-up Gian Guidicelli, at third runner-up Cas Villones.
RELATED CONTENT: Here are your 2026 Mister Pilipinas Worldwide winners
Naisalang na sis a Mister Supranational pageant at nakaabot hanggang top 20. Samantala, ang kanyang Miss Supranational pair na si Katrina Llegado ay nanalo at naiuwi ang pangalawang Miss Supranational crown ng bansa.
John ang pinaka latest na male beauty pageant winner na nanggaling sa bansa. Noong 2024, si Dom Corilla ang unang Pilipino na nanalo ng Mister Global. Namangha ang audience sa speech ni Dom tungkol sa bayanihan.
“The Philippine culture that I want to exercise globally is bayanihan, which means one with your country, one with your community, and in simple terms, love your neighbor. Because if you start loving your neighbor, imagine the world peace that we can achieve, the conflicts and wars that we can prevent. If we apply this culturally all around the world, we can really make a difference,” saad niya.
Noong 2025, si Kirk Bondad ay nanalo ng Mister International title, na nagtulak sa kanya na magpasalamat sa Instagram pagkatapos niyang manalo.
Sa caption ng post, sinabi ni Kirk na ang kanyang winning moment ay higit pa sa sarili niya at isang testament sa paniniwala, sipag, at ang kapanyarihan ng bansa na mag-bayanihan para sa isang pangarap. Inilista rin niya ang mga organization at indibidwal na tumulong sa kanya, mula sa Mister Pilipinas Worldwide organization, sa mga designers na si Francis Libiran at Patrick Isorena, at sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at fans sa Pilipinas at sa buong mundo.