
Ramdam ang mainit na pagtanggap ng buong cast ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa special guest nila this week na si Bea Alonzo!
Sa isang exclusive video sa YouLOL, nakapanayam mismo nina Direk Michael V. at Manilyn Reynes ang multi-awarded Kapuso actress para tanungin kung kumusta ang pakiramdam na makasama sa flagship sitcom.
'Yun nga lang, bago matapos ni Bea ang kanyang sinasabi, makailan ulit siyang napuputol dahil panay ang pa-picture ng cast o 'di kaya ay humingi ang iba na i-follow sila nito sa kanilang social media accounts.
Matapos kaya nina Pepito at Elsa ang chikahan with Bea?
Sa isang bahagi ng video, sinabi ni Bea na hindi siya makapaniwala na mangyayari ito na makakapag-guest siya sa well-loved sitcom na mahigit isang dekada na sa telebisyon.
Wika niya, “Paulit-ulit ko po sasabihin na masayang-masaya talaga ako na nandito ako at nakakasama ko na kayo ngayon 'di ba. Hindi ko akalain na magiging posible ito.”
Kaya walang iwanan this Saturday night at tutukan ang pagganap ni Bea Alonzo bilang si Barbie sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Ano nga ba nangyari sa tatay ni Barbie na kumpare ni Pitoy?
Masasaksihan n'yo lahat ng 'yan ngayong February 25 sa oras na 7:00 p.m. Mapapanood n'yo rin ang Manaloto fambam sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.
MORE HIGHLIGHTS OF BEA ALONZO'S GUESTING ON PEPITO MANALOTO HERE: