
Aminado sina Pancho Magno at Thia Thomalla na mas naging mahirap ang kanilang mga karakter sa First Lady na sina Conrad Enriquez at Val Cañete.
Bukod sa engaged na ang dalawa, mas bibigat pa ang trabaho nina Conrad at Val bilang miyembro ng Presidential Security Group ngayong First Lady na si Melody, ang karakter ni Sanya Lopez.
"Engaged na kami dito pero marami pa kaming kailangang gawin as PSGs, as security detail now na meron ng First Lady, so si Val, mas nakatutok na siya sa First Lady," saad ni Pancho sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
Dagdag ni Thia, "Mas naging priority pa 'yung work kaysa doon sa engagement namin. So, abangan 'yan."
Kinuwento rin ni Thia na hindi niya naiwasan ma-i-starstruck sa bago nilang kasama na si Alice Dixson, na gumaganap bilang Ingrid Domingo.
Aniya, "Nagkuwentuhan kami, she's asking me about my journey nung pageant days, and I asked her about her, you know, fitness and lifestyle. So nakakatuwa kasi there's something we have in common."
Samantala, miss na miss naman ni Pancho ang kanilang anak ni Max Collins na si Baby Skye ngayong naka-lock in taping na ulit sila para sa First Lady.
Kuwento ni Pancho, noong nag-beach sila ni Skye ay napatunayan niyang nag-e-enjoy ito malapit sa dagat.
Aniya, "Nung pangatlong araw, sabi ko, Skye tama na, makati na, e. Namumula na dahil sobrang gusto niya sa beach. Grabe sobrang hyper."
Mapapanood ang world premiere ng First Lady sa Valentine's Day sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, tingnan kung ano ang nangyayari sa lock-in taping ng programa sa mga larawang ito: