
Umani ng libo-libong likes ang post ng Hashtag member na si Zeus Collins kasama ang Kapuso actor-model na si Pancho Magno.
Sa Instagram post ni Zeus, nag-post ito ng larawan kasama ang First Yaya actor at kitang-kita na may pagkakahawig sila sa isa't isa.
Napa-comment din si Pancho sa larawan nila ni Zeus at tinawag pa niya itong "little brother."
Dito sunod-sunod na napa-komento ang mga netizen at laking gulat nila na papasang doppleganger o 'di kaya twin ni Pancho ang Kapamilya talent.
Heto pa ang ilan sa mga paborito ninyong artista na papasa bilang identical twins sa gallery below.