What's on TV

Pancho Magno, nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz
Published November 19, 2018 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco to heed ERC order halting disconnections for May to July bills
5 Davao SK heads face probe over alleged fund misuse
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News



Pancho Magno, hinding-hindi raw makalilimutan si Modi, ang karakter na ginampanan niya sa Victor Magtanggol.

Lubos na na-enjoy ni Kapuso actor Pancho Magno ang pagiging bahagi ng GMA Telebabad superhero series na Victor Magtanggol.

Gumanap siya dito bilang si Modi, isang Norse god na naghahangad kapangyarihan ng kaniyang amang si Thor (Conan Stevens).

Sa pagtatapos ng show, nagpasalamat si Pancho sa lahat ng sumuporta sa kanya at sa kanilang programa.

"Maraming-maraming salamat sa lahat ng tumangkilik and sumuporta sa Victor Magtanggol.

"Hindi-hindi ko makakalimutan and character na sa si Modi, buong cast and sa higit sa lahat sa buong staff. Thank you so much!" sulat niya sa kanyang Instagram account.

Maraming-maraming salamat sa lahat ng tumangkilik and sumuporta sa Victor Magtanggol. Hindi-hindi ko makakalimutan and character na sa si Modi, buong cast and sa higit sa lahat sa buong staff. Thank you so much! ❤️❤️ 📸 @fullyludy

A post shared by Pancho Magno (@magnopancho) on


Matatandaang ang kanyang karakter na si Modi ang humalili sa kaniyang kapatid na si Magnus (Miguel Faustmann) at naging curator ng museyong nagpe-preserve ng mga alamat na Norse.

Umabot din sa top trending topic ng Twitter Philippines ang official hashtag ng finale episode na #VMTheHeroicFinale.

Balikan ang ilang mga eksena mula finale ng superhero series na Victor Magtanggol: