GMA Logo Max Collins giving birth to son Skye Anakin
What's Hot

Pancho Magno, proud sa desisyon ni Max Collins na manganak sa bahay

By Jansen Ramos
Published July 20, 2020 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins giving birth to son Skye Anakin


"Sobrang thankful ko, sobrang blessed din in so many ways. Not only na wala siyang medication, si baby sobrang healthy pa so wala kaming masabi," pahayag ni Pancho Magno ukol sa home birthing experience ni Max Collins.

Napatunayan ni Pancho Magno na tama ang desisyon ng kanyang asawang si Max Collins na manganak sa bahay, sa gitna ng global health crisis sanhi ng COVID-19.

"Iba 'yung pagka-proud ko sa kanya. Ang desisyon ko talaga sa ospital tayo, mag-anesthesia ka, gawin natin kung ano ang best way na walang sakit kasi first baby namin," bahagi ni Pancho sa Zoom interview ng GMANetwork.com kamakailan.

Successful ang home birthing ni Max kaya naman labis ang pasasalamat ng Descendants of the Sun star.

Pancho Magno at Max Collins kasama si Skye Anakin

"So coming from my experience, nakita ko rin, siyempre, kung gaano kasakit and then may mga procedures pa para malabas si baby so nagawa namin now, sobrang thanful ko, sobrang blessed din in so many ways.

"Not only na wala siyang medication, si baby sobrang healthy pa so wala kaming masabi.

"'Di ko ma-explain hanggang ngayon but thankful din talaga."

Nilinaw ni Pancho na nag-research muna sila ni Max bago sila nagdesisyon kung anong childbirth delivery method ang kanilang pipiliin.

Bahagi ng registered nurse-turned-actor, "We took classes, pinag-aralan namin. Siguro 'yun na 'yung pinaka the best sa 'min. Kasi nanood kami ng documentary and nag-research kami so ano bang magiging pros and cons if we do it sa hospital.

"Siguro, isang factor do'n na 'di kami magkasama, siguro number one 'yun. Number two, sobrang daming [COVID-19] cases na rin kasi so parang it makes sense na rin na gawin sa house na mas convenient and, siyempre, ando'n ka sa bahay mo e.

"Mas comfortable ka, hindi ka mahihirapan, 'di ka pressured to do anything."

Isinilang ni Max ang first baby nila ni Pancho, na si Skye Anakin, noong July 7 via water birth.