What's on TV

Pandidiin ni Crisel kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published August 12, 2020 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara and Bianca Umali in Kambal Karibal


Kaya kayang ipakulong ni Geraldine ang sariling anak?

Sa episode 104 ng Kambal, Karibal, natunton na ni Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas) kung saan nagtatago si Crisan (Bianca Umali), na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara) sa tulong ni Crisel (Pauline Mendoza), na siya namang nasa katawan ni Crisan.

Pilit na ipapahuli ni Crisel sa mga pulis ang kanyang kakambal kahit wala itong kinalaman sa krimeng pagpatay kay Emmanuel (Christopher De Leon).

Ipinagtanggol naman ni Crisan ang kanyang sarili at ibinunyag ang tunay na katauhan nila ni Crisel sa kanilang mga magulang.

Naguluhan si Geraldine sa rebelasyon ni Crisan, gayunpaman, nanatili pa ring malambot ang puso niya sa kanyang anak.

Kaya kayang ipakulong ni Geraldine ang sariling anak?

Carmina Villarroel Bianca Umali and Alfred Vargas in Kambal Karibal

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.