GMA Logo Marian Rivera
What's on TV

Pang-best actress na performance ni Grace sa 'My Guardian Alien,' umani ng mahigit 1M views online!

By Dianne Mariano
Published May 6, 2024 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Sa recent episode ng 'My Guardian Alien,' matatandaan na ipinakilala ni Carlos si Grace bilang pinsan ng kanyang yumaong asawa na si Katherine dahil sa pagiging magkamukha ng dalawa.

Hindi lamang sa telebisyon inaabangan ng mga manonood ang bawat tagpo ng family series na My Guardian Alien, kundi maging sa social media.

Sa Facebook page ng GMA Drama, umani ng mahigit one million views ang dalawang clips ng 24th episode ng naturang serye, kung saan mapapanood ang mga eksena ni Grace (Marian Rivera).

Isa sa mga eksenang nakakuha ng mahigit one million views ay ang first meeting ni Grace sa mga kasama ni Carlos (Gabby Concepcion) sa kanyang tahanan. Ipinakilala ni Carlos si Grace bilang ang kanyang balikbayan na kaibigan.

Bukod dito, umani rin ng mahigit one million views ang eksena ni Grace kung saan sinagot niya ang mga tanong ng mga kasama ni Carlos sa bahay.

Matatandaan na ipinakilala rin ni Carlos si Grace bilang pinsan ng kanyang yumaong asawa na si Katherine dahil sa pagiging magkamukha ng dalawa.

Napanood din dito ang pagsasalita ni Grace gamit ang Spanish language dahil sinabi ni Carlos na galing sa bansang Spain ang una.

Samantala, mapapanood na ngayong Lunes ang girls' night out nina Venus (Max Collins) at Grace. Masasaksihan din dito ang hataw moves ni Grace sa dance floor.

Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.