
Ang probinsya ng Pangasinan ang latest stop ng Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, June 18.
Unang nakilala ang bayan sa produkto nitong asin at isa ito sa tatalakayin natin, mga Biyaheros.
Trivia: Tubong Pangasinan ang ina ni Drew Arellano kaya naman malapit sa puso niya ang probinsiya, lalo na ang mga putaheng Pangasinense.
Unang-una siyempre, ang masarap na bangus na mula sa Bangus Capital of the Philippines, ang Dagupan City.
Alam n'yo ba na maliban sa boneless bangus ay may mabibili na rin ngayon na shanghai na bangus, tinocinong bangus, at bangus embutido? Tunog pa lang, katakam-takam na.
Panalo daw ang mangga dito at aalamin 'yan ni Drew. Titikman din niya ang sikat na merienda na tupig at peanut brittle para mas lalong masaya.
Samantala, makakasama ni Drew sa kanyang adventure ang ilang sikat na celebrities na tubong Pangasinan.
Makikisaya sina National Artist for Music Ryan Cayabyab, veteran actress Nova Villa, at host-model Rovilson Fernandez.
Abangan ang mga nakaaaliw na kuwento nila tungkol sa Pangasinan at kung bakit espesyal ang probinsya para sa kanila.
Kaya tara na at sumama sa Pangasinan sa Biyahe ni Drew, 5:45 p.m., sa GTV.
Watch the trailer here:
Speaking of lumpia, kilalanin ang mga foreign celebrities na nahumaling sa nasabing putahe na paborito nating mga Pinoy: