
Patok ngayon online ang "low budget edition" ng fans sa ilang mga eksena sa superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Dumarami ang nagpo-post ng kanilang mga nakatutuwang reenactment kabilang na rito ang fans na may hugot tungkol sa retre, mga paruparo sa Encantadia na sumusundo sa namatay.
Ginaya ng uploader na si 444.paul ang eksena sa Sang'gre kung saan kinukuha na si Lira ng mga retre, pero sa halip na retre ay mga gamugamo ang pinapaalis nito.
Sulat niya, "POV ng pagod sa work at sinundo ng retre."
@444.paul1 Tanakreshna! Sinundo ng mga retre #fyp #encantadia #sanggre #work #fyppppppppppppppppppppppp ♬ original sound - 444.paul
Isa pang "gamugamo" edition na kinaaliwan ng netizens ay ang video ng fan na si James Valiente kung saan ginaya nito ang eksena ni Sang'gre Danaya na naghihinagpis sa pagkawala nina Aquil at Gaiea.
Paniguradong maaaliw sa pag-arte ng mga batang ito na nag-ala mga Sang'gre na sina Flamarra, Adamus, at Terra na nakikipaglaban kay Mitena. Hindi rin sila nagpahuli sa kanilang visual effects.
@miss_rosey.demdem ENCANTADIA Chronicles SANGGRE #memes #maripusa #valiry #sanggre #encantadia #encanto #flamarra #adamus #deia #terra #agatha #wanda #tiktoktrend #missroseycinefilmcreator #fyp ♬ Powerful songs like action movie music - Tansa
Paniguradong matatawa sa edit ng fan na si Angkol Porky na tila nag-transform mula sa pagiging isang aso hanggang nag-ala Danaya. Dumagdag sa nakaaaliw niyang video ang boses sa likod ng kamera kung saan tinanong siya kung siya nga ba si Danaya at hindi si Imaw.
Sa post ng TikTok user na si danica_lachica, ibinahagi nito ang naganap na "Encantadia cosplay" sa kanilang intramurals. Aniya, "bias" niya ang kanilang departamento kung saan apat na estudyante ang nag-Sang'gre costume at nag-ala-Amihan, Pirena, Danaya, at Alena.
@danica_lachica Encantadia cosplay during intramurals. of course bias ko ang department namin HAHAHA #amihan_encantadia #fypシ゚ ♬ original sound - Ms. Danica 🎀 - Ms. Danica🌷
Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: