What's Hot

Panoorin ang pag-iibigan at kabayanihan nina Diego at Gabriela Silang sa 'Wagas' ngayong December 20

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 18, 2020 11:07 AM PHT
Updated December 18, 2020 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro and Marc Abaya in Wagas


Panoorin ang ikalawang bahagi ng pag-iibigan at kabayanihan nina Diego at Gabriela Silang sa 'Wagas' ngayong December 20 pagkatapos ng 'All-Out Sundays.'

Sa ikalawang bahagi ng kuwentong pag-iibigan nina Diego at Gabriela Silang, magkasama nilang haharapin ang kanilang laban kontra sa mga Español.

Ang hindi nila alam, ang matalik nilang kaibigan ang papatay kay Diego sa mismong harap ni Gabriela.

Marc Abaya and Glaiza de Castro in Wagas

Sa ikalawang bahagi ng pag-iibigan nina Diego at Gabriela Silang, mapapanood kung paano bumangon at lumaban si Gabriella sa pagkamatay ni Diego.

Sa pagkamatay ni Diego, mag-isang haharapin ni Gabriela ang laban na sinimulan nilang dalawa. Sa katunayan, si Gabriela ang unang Heneral ng kilusan.

Hindi nagtagal ay namatay rin si Gabriela nang mahuli siya ng mga Español habang nagtatago. Kahit na parehong namatay sina Diego at Gabriela, hinding-hindi naman malilimutan ng mga Pilipino ang kabayanihang ginawa nila para sa bansa.

Ginampanan nina Glaiza de Castro at Marc Abaya sina Diego at Gabriela Silang sa kauna-unahang historical love story ng Wagas.

Muling panoorin kung paano pinatunayan nina Diego at Gabriela Silang ang katagang “'til death do us part” sa huling bahagi ng Wagas: The Diego and Gabriela Silang love story ngayong Linggo, December 20, pagkatapos ng All-Out Sundays.