What's Hot

PANOORIN: Dante Gulapa moves ni Jak Roberto, aprubado kaya ni Barbie Forteza?

By Nherz Almo
Published March 22, 2019 12:48 PM PHT
Updated March 22, 2019 1:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Jak Roberto, sinayawan ang girlfriend na si Barbie Forteza ala-Dante Gulapa. Panoorin dito:

Ipinakita ni Jak Roberto sa girlfriend niyang si Barbie Forteza ang natutunan niyang dance moves mula sa “Big Papa” ng social media na si Dante Gulapa.

Barbie Forteza and Jak Roberto
Barbie Forteza and Jak Roberto

Sa Instagram post ni Barbie kanina, March 22, makikita na tuwang-tuwa ang Kara Mia actress habang sinasayawan siya ng kaniyang boyfriend.

“Salamat sa pagdalaw sa batang may sakit. Muntik gumaling ang ubo ko sa sayaw mo.

“Papanoorin ko talaga to bukas sa Magpakailanman! Great job, mahal ko!” sabi ni Barbie sa caption ng video na kaniyang ibinahagi sa kaniyang followers.

Salamat sa pagdalaw sa batang may sakit. Muntik gumaling ang ubo ko sa sayaw mo 🦅 Papanoorin ko talaga to bukas sa Magpakailanman! Great job, mahal ko! 👏🏻😍 @jakroberto

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on


Si Jak ang gaganap bilang Dante Gulapa sa istoryang tampok sa Magpakailanman, na pinamagatang “Viral Macho Dancer,”na mapapanood bukas, March 23.

Sa katunayan, bilang paghahanda, personal pa siyang tinuruan ng kasalukuyang online sensation ng kaniyang personal dance moves.

1 on 1 turorial with Big Papa 🦅#DanteGulapa #Gulapanatic #Daigonatics #Magpakailanman

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

IN PHOTOS: Ang kuwento ng buhay ni Dante Gulapa sa 'Magpakailanman'