GMA Logo OFW sa Saudi Arabia
What's Hot

Panoorin: Mga OFW sa Saudi Arabia, may bersyon ng GMA Station ID

By Bong Godinez
Published June 13, 2021 3:04 PM PHT
Updated June 13, 2021 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

OFW sa Saudi Arabia


Umani ng mga papuri ang nasabing video habang ang ilan ay naging emosyonal dala ng mensahe ng kanta.

Isang grupo ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nakabase sa Saudi Arabia ang gumawa ng sarili nilang bersyon ng sikat na station ID ng GMA na inilabas noong 2007.

Ang nasabing station ID theme song ay may pamagat na “Kapuso Anumang Kulay Ng Buhay.”

Ang video ay mapapanood sa Facebook page na Pinoy History at sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit na 9,000 likes at reactions.

Mula daw ang video sa isang nagngangalang Raymond Lopez.

“Mga OFW, gumawa ng sariling bersyon ng 'di malilimutang Station ID ng GMA sa gitna ng disyerto ng Saudi,” saad sa caption.

Hindi naman nakalagay kung kailan kinunan ang nasabing video.

Umani naman ng papuri sa mga netizens ang nasabing video at marami rin ang sumaludo sa mga OFW at sa kanilang sakripisyo.

“Naiyak naman ako. Sama-sama, nananalig, nangangarap, nagsisikap. Fave kong station ID 'yan ng GMA. Salute to all OFW. Stay safe po,” ayon sa isang nag-comment sa video.

“Grabe naluha ako sa galak! Ingat po kayo lahat diyan!” komento ng isa pang nakapanood ng video.

“Mabuhay kayo mga kababayan...lahat ng pag sisikap pag hihirap at pag titiyaga ay may kaakibat na tuwa at tagumpay,” sambit ng isa pang netizen.

Kasalukuyang ipinagdiriwang ng GMA ang ika-71st anibersaryo nito.

Watch the video here: