
Na-hot seat sina Katrina Halili, Wendell Ramos, at James Blanco nang biglang tanungin ng isang netizen kung sino ang makakatuluyan ng kani-kanilang mga karakter sa Prima Donnas.
Ginagampanan ni Katrina si Lilian, ang surrogate mother ng mga anak ni Jaime, na ginagampanan naman ni Wendell. Sa kasalukuyan ay nakatira si Lilian sa bahay ng kanyang dating boyfriend na si Ruben, ang karakter ni James, kasama ang anak nilang si Donna Marie (Jillian Ward).
"Sino po ang makakatuluyan ni Lilian? Si Sir Jaime po or si Sir Ruben?" tanong ng isang avid viewer mula Zamboanga City sa cast noong grand finale reunion ng Prima Donnas noong Biyernes, February 12.
Ano kaya ang magiging sagot ni Wendell? Panoorin dito:
Tutukan ang huling linggo ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.
Mapapanood din ang Prima Donnas sa ibang bansa via GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa www.gmapinoytv.com para sa iba pang detalye.
Magkakaaway man on-cam, best friends naman off-cam sina Katrina, Wendell, at Aiko Melendez.
Tingnan ang kanilang masayang kulitan sa likod ng camera dito: