GMA Logo Ryan Bang, Paola Huyong, Mommy Shin
PHOTO COURTESY: ryanbang (Instagram)
What's Hot

Paola Huyong, napaiyak sa mensahe ng ina ni Ryan Bang

By Dianne Mariano
Published July 25, 2025 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinos in Czechia, Germany celebrate Sinulog in Prague
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Bang, Paola Huyong, Mommy Shin


Ano kaya ang mensaheng natanggap ni Paola Huyong mula sa ina ng kanyang fiancé na si Ryan Bang? Alamin dito.

Puno ng masasaya at heartwarming moments ang latest YouTube vlog ng It's Showtime host na si Ryan Bang dahil nakasama niya rito ang kanyang mom at fiancée na si Paola Huyong.

Sa nasabing vlog, nag-mukbang ang tatlo sa Korean restaurant ni Ryan sa Quezon City at nagkaroon din sila ng masayang kuwentuhan. Isa sa mga naikuwento ni Paola ay ang heartfelt message na natanggap niya mula sa nanay ni Ryan.

“Sobrang heartfelt ng message ng Mommy mo na nung pagkabasa ko talaga, as in sobrang umiyak ako.

“Lagi raw siyang hindi nakakatulog nang maayos kasi she's always worried about you. So gano'n ka kamahal ng Mommy mo talaga,” kwento niya.

Dagdag pa niya, “Nung nag-dinner din tayo, sobrang naging at peace na siya. Sabi niya, makakatulog na raw siya everyday peacefully kasi grabe how much your mom loves you so much. I can't put it into words how much your mom loves you.”

Ayon kay Paola, ipinangako niya sa nanay ni Ryan na mamahalin at aalagaan niya at ng kanyang pamilya ang anak nito.

Patuloy niya, “And that's why I told your mom na my family and I will also be there for Ryan no matter what happens. We'll also take care of him. We will treat him like family, definitely, and my mom loves him so much. So, you don't have to worry anymore.”

Dagdag pa ni Paola, nagpasalamat din ang nanay ni Ryan sa kanyang pamilya at mga kapatid.

Matatandaan na nag-propose si Ryan kay Paola noong June 2024.

Panoorin ang vlog ni Ryan Bang sa video na ito.

Samantala, napapanood si Ryan Bang sa It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

TINGNAN ANG SWEETEST MOMENTS NINA RYAN BANG AT PAOLA HUYONG SA GALLERY NA ITO.