
Bukod sa pagiging singer-songwriter at musical mentor, isang ganap na ring awtor ng libro sina Paolo at Miguel Benjamin ng sikat na bandang Ben&Ben.
Sa unang pagkakataon, naglabas ang kambal ng eBook na pinamagatang "The Traveller Across Dimensions," na hango sa kanilang latest studio album.
"Hey Liwanag! Or anyone who this reaches, share ko lang sa inyo na nagsulat ako (at si Migs, yung kambal ko) ng libro. First time ko 'to gawin kaya nakakatakot. haha," sabi ni Paolo sa isang Instagram post.
Tungkol ang kuwento ng The Traveller Across Dimensions kay Liwanag, isang babae na naghahanap ng inner peace.
Ayon kay Paolo, paraan niya ito para maibahagi ang kanyang mga saloobin.
Patuloy niya, "Na-realize ko rin kasing 'di ko super ma-express yung gusto kong i-share sa mundo na mga realizations at thoughts sa social media, as much as I've done in this book."
"Magkadugtong silang lahat, yung libro, yung mga kanta sa album, at yung traveller plushie."
Layunin din nina Paolo at Miguel na maging inspirasyon ang kanilang isinulat na libro.
Dagdag pa ni Paolo, "For now, if trip n'yo, basahin n'yo 'tong libro ng “The Traveller Across Dimensions”. If 'di n'yo trip, oks lang! Pero gusto ko marinig yung thoughts n'yo. At sana, kahit papaano, makatulong siya sa'yo, lalo na kung nahihirapan ka ring maging mentally present most of the time, tulad ko. Yun lang! Takits ulit dito more often."
Maaaring i-download nang libre ang "he Traveller Across Dimensions" full eBook sa www.thetravelleracrossdimensions.com.
Kasalukuyang napapanood sina Paolo at Miguel sa The Voice Kids bilang coach duo.
RELATED CONTENT: Meet the Members of Indie Folk Pop Band, Ben&Ben